MMDA binago ang operating hours ng malls; road re-blocking pansamantalang suspendido

JILSON SECKLER TIU

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang adjustment sa oras ng simula ng operasyon ng mga mall sa Metro Manila at pansamantalang suspensyon ng road-reblocking sa EDSA at C-5 bilang tugon sa trapik.

Ito ang napagkasunduan sa pulong ng MMDA, Department of Public Works and Highways (DPWH), shopping mall operators, water utilities at telcos araw ng Martes.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mula November 11 hanggang January 10, 2020, ipapatupad ang sumusunod:

  1. Lahat ng mall sa Metro Manila ay alas 11:00 ng umaga na ang pagbubukas, lampas isang oras sa karaniwang simula ng operasyon na alas 10:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.
  1. Magtatalaga ang shopping mall operators ng karagdagang mga gwardya para tumugon sa mahabang linya ng mga sasakyan na papasok sa parking areas ng mga mall na nagdudulot ng matinding trapik.
  1. Pagtanggal ng mga obstructions sa loading at unloading bays sa paligid ng shopping malls.
  1. Limitadong deliveries ng “non-perishable goods” na sa gabi na lamang mula alas 11:00 ng gabi hangganga alas 5:00 ng madaling araw.
  1. Walang mall sale sa weekdays.
  1. Pansamantalang suspensyon ng mga road reblocking sa EDSA at C-5 liban sa mga panungahing proyekto ng gobyerno o kapag may emergency.

Paliwanag ni Garcia, layon ng naturang mga hakbang na maibsan ang problema sa trapik partikular sa EDSA sa kapaskuhan.

Ang mga shopping malls anya ay makukunsiderang dahilan ng trapik sa Holiday season kaya makakatulong kung isang oras na mas late ang operating hours.

Sa datos ng MMDA, nasa 100 ang shopping malls sa buong Metro Manila.

Read more...