WATCH: Duterte pauwi na sa bansa mula sa Japan dahil sa pananakit ng katawan

By Den Macaranas October 22, 2019 - 06:52 PM

Photo: Sen. Bong Go

Pabalik na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa makaraan ang pagdalo sa enthronement ceremony kay Japanese Emperor Naruhito.

Si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang magiging kinatawan ng pangulo banquet at iba pang mga pagpupulong.

Sa pamamagitan ng Facebook live ni Sen. Bong Go na kasama ng pangulo sa Japan, sinabi ni Duterte na masakit ang bahagi ng kanyang bewang makaraan ang pagsemplang sa motorsiklo kamakailan.

Magkasama sa loob ng kotse sina Duterte at Go nang mag-Facebook live ang senador.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Go:

Nauna dito ay gumamit ng isang walking cane o tungkod ang pangulo sa kanyang pagpunta sa Japan.

Bukod sa masakit na bewang ay nagkaroon rin ng sugat sa kanyang braso at tuhod ang pangulo.

Kanina ay pinayuhan rin ni Ginang Elizabeth Zimmerman si Duterte na magpakunsulta agad sa isang orthopedic surgeon.

Di naman masabi ni presidential spokesman Salvador Panelo kung sa Davao City o sa Maynila magpapakonsulta ang pangulo.

Nauna na kasing sinabi ng Office of the President na dadalaw si Duterte sa burol ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel sa Heritage Park sa Taguig City.

Narito naman ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte;

TAGS: bong go, duterte, Emperor, Japan, ortho-surgeon, panelo, Sara Duterte, bong go, duterte, Emperor, Japan, ortho-surgeon, panelo, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.