Operasyon ng MRT 3 hindi palalawigin sa nalalapit na Christmas season

By Angellic Jordan October 22, 2019 - 05:20 PM

Hindi palalawigin ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang operasyon para sa nalalapit na Christmas season.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na ito ay dahil maglalaan ng sapat na panahon para sa rail replacement sa tren.

Gagawin aniya ito sa huling tatlong buwan ng 2019.

Sisimulan ang pagkukumpuni sa 4,053 na rail pieces sa rail welding area sa Taft Avenue Station ngayong Oktubre.

Kasabay ding aayusin ang pagdidikit ng 10 piraso ng 18-metrong haba ng riles.

Paliwanag ni Capati, mayroon nang mga sira ang mga riles dahilan kaya kailangan ng agarang pagsasaayos.

Gagawin ang pagpapalit ng mga riles mula alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling-araw kada araw.

Ani Capati, target ng pamunuan na matapos ang rail replacement sa February 2021.

TAGS: Christmas Season, mrt-3, rail replacement sa tren, Christmas Season, mrt-3, rail replacement sa tren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.