Hinihinalang tulak ng droga arestado sa buy-bust operation sa Quezon

By Angellic Jordan October 22, 2019 - 05:01 PM

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon, Lunes ng gabi.

Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang suspek na si Gliserio Rengconada, bente-otso anyos.

Positibong nakabili ang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay bandang alas otso diyes ng gabi.

Ito ay matapos ipaalam ng ilang residente sa lugar ang ilegal na aktibidad ni Rengconada.

Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng shabu na may bigat na 3.76 grams.

Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng 20 thousand 680 pesos.

Nakumpiska sa suspek ang apat na pakete ng shabu na may bigat na 3.76 grams.

TAGS: Barangay Ibabang Dupay, buy bust, Gliserio Rengconada, Hinihinalang tulak ng droga, quezon province, Barangay Ibabang Dupay, buy bust, Gliserio Rengconada, Hinihinalang tulak ng droga, quezon province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.