Halos P1M halaga ng shabu nakumpiska sa makahiwalay na anti-drug operations sa Albay

By Angellic Jordan October 22, 2019 - 04:50 PM

Nasamsam ang halos isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Tabaco City, Albay.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, ikinasa ang drug raid sa bahagi ng Barangay San Roque pasado Lunes ng tanghali.

Nakuha sa mga suspek ang 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 748 thousand pesos.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Richard, Manuel at Wailan Bonaobra, Hubert Loyola, Ruben Bayrente, Ronald Ruiz at Arnel Vuella.

Sa bahagi naman ng Barangay Sto. Cristo, nakuha ang karagdagang 35 gramo na nagkakahalaga ng 238 thousand pesos.

Nahuli ang mga suspek na sina Alwin at Jesus Abaluado, Dante Dular Ivita at Jose Boyon Madronio.

TAGS: 11 ang naaresto, Albay, Halos P1M halaga ng shabu, operasyon kontra droga., tabaco city, 11 ang naaresto, Albay, Halos P1M halaga ng shabu, operasyon kontra droga., tabaco city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.