outbrain

Mga kandidato sa pagka-Chief PNP himamong magpa lifestyle check

By Erwin Aguilon October 22, 2019 - 04:36 PM

Hinamon ni ACTS CIS Rep. Eric Go Yap ang tatlong nominado sa pagka PNP Chief na sumailalim sa lifestyle check.

Ayon kay Yap, ito ay para maipakita sa publiko na malinis sila sakaling mapili ng pangulo.

Kailangan din anya na isama ng mga ito ang kanilang records simula nang pumasok sa pambansang pulisya.

Kasama na anya rito ang mga kaso na kanilang kinasangkutan.

Sinabi naman ni House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor na suportado niya ang gagawing pagpili ng pangulo sa magiging hepe ng PNP.

Wala naman anyang magagawa ang sinuman kung ang pipiliin ng pangulo ay mas batang general upang maging PNP Chief.

Hindi anya rito masisisi ang pangulo dahil ayaw nito na magkaroon ng pagdududa sa magiging lider ng PNP.

TAGS: ACTS CIS Rep. Eric Go Yap, cascolan, eleazar, gamboa, Mga kandidato sa pagka-Chief PNP, ACTS CIS Rep. Eric Go Yap, cascolan, eleazar, gamboa, Mga kandidato sa pagka-Chief PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.