Sinabi ni Socio-Economic Planning Sec. Ernesto Pernia na dapat makumpleto na bago matapos ang 2019 ang data centers na gagamitin sa pagpaparehistro ng mga Pinoy para sa Philippine Identification System o PhilSys.
Sa Enero, 2020 ay kailanga nang masimulan ang pagpapatupad ng National ID ayon pa sa opisyal.
Ipinaliwanag pa ni Pernia na dapat matapos ang pagpaparehistro ng lahat ng mga Filipino sa kalagitnaan ng taong 2020.
Sa Pilot test registrations, sinabi ng pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) na prayoridad nila ang mga beneficiaries ng 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga empleyado ng Philippine Statistics Authority.
Isusunod dito ang mga senior citizen na inaasahang matatapos sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon.
Wala umanong dapat ipangamba ang publiko dahil ang gagawin lamang sa screening ay ang screening, demographic at biometric capturing, at printing ng transaction slip.
Inaasahan naman sa buwan ng Hunyo, 2020 magiging full-blown ang registration para sa National ID.