Carpio: Presidential power dapat bawasan sa pagpili ng Supreme Court justices
Gusto ni outgoing Senior Associate Justice Antonio Carpio na bawasan ang kapangyarihan ng pangulo sa pagpili ng mga mahistrado sa Supreme Court.
Pwede umano itong gawin sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang pangulo ng bansa ang siyang may pinal na desisyon sa pagpili ng mga justices sa Supreme Court.
Base sa panukala ni Carpio, dapat umanong bigyan ng pantay na kapangyarihan ang pangulo, kongreso at ang Supreme Court mismo sa pagpili ng mga magiging mahistrado.
Hindi umano dapat ibigay lamang sa iisang tao ang kapangyarihan para sa paglalagay ng mga magiging miyembro ng Mataas na Hukuman na siyang final arbiter sa mga kaso sa bansa.
Ang mga nagdaang kaganapan sa bansa ang siyang magpapatunay na mali ang one-man rule sa pagpili ng mga justifes ayon pa kay Carpio.
Umapela naman si Carpio sa pangulo na pumili ng isang independent-minded na Supreme Court Chief Justice.
Sa Biyernes ay nakatakdang magretiro si Carpio na labing-walong taon na naging mahistrado ng Mataas na Hukuman.
Kanyang ipinagmalaki na tinapos niya ang lahat ng kaso sa kanyang tanggapan bukod pa rito ang 935 full-blown decisions, 79 dissenting opinions, 30 concurring opinions, 13 separate opinions, at apat na four concurring at dissenting opinions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.