Malakanyang tiwalang magagampanan ng maayos ni PCG commandant Garcia ang bagong tungkulin

By Chona Yu October 22, 2019 - 03:26 PM

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na maayos na magagampanan ni bagong Philippine Coast Guard (PCG) commandant Joel Garcia ang kanyang bagong tungkulin.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malawak ang kaalaman at galling ni Garcia sa usapin sa PCG.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na may integridad si Garcia.

Matatandaang makailang beses nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PCG na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga baybaying dagat laban sa mga dayuhang magtatangkang mang-agaw ng teritoryo.

Pinababantayan din ng pangulo ang panghihimaok ng mga dayuhang barko ng walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas.

TAGS: commandant Joel Garcia, duterte, Malakanyang, panelo, PCG, commandant Joel Garcia, duterte, Malakanyang, panelo, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.