Chief Prosecutor ng Maynila, nagpaliwanag sa pagpapalaya sa 4 na suspek sa pagpaslang kay Vice Mayor Charlie Yuson III

By Ricky Brozas October 22, 2019 - 03:22 PM

Walang lamang elemento ng murder ang information na isinampa ng Manila police laban sa apat na nahuling killer ng bise alkalde ng Batuan, Masbate na si Charlie Yuson III.

Ayon kay Manila City Chief Prosecutor Jovencio Senados, magkakaiba rin ang testimonya ng mga testigo at hindi nagtutugma ang mga itinuturo nilang mga suspek.

Paliwanag pa ni Senados, traffic violations and anti smoking lamang ang unang isinampa sa kanyang tanggapan ng Manila police.

Sabi aniya ng pulis, nag-swerve ang van na ACM 8804 na kanilang sinita at nang silipin, nakita rin ng mga pulis ang isang lalaki na sakay na nagsisigarilyo at ilang baril kaya hinuli.

Kinabukasan ng Biyernes, naghain ng supplemental information ang Manila police na nagsasabing nagdatingan ang ilang indibidwal na nagtuturo sa mga suspek na pumatay sa bise alkalde.

Gayunman, pinaliwanag ng city prosecutor na hindi naman nagtutugma ang testimonya o salaysay ng mga iniharap na testigo.

Idinagdag din ni Senados na walang iprinesentang testimonya ang pulisya na nagsasabing ang apat na suspek ay nadakip sa dragnet operation ng Manila police matapos na isagawa ang krimen o pagpatay kay vice mayor charlie yuson III.

Ngunit kung ang mahalagang dokumento aniyang ito ay isinumite ng Manila police sa kanyang tanggapan, tatayo ang kaso alinsunod sa mga dokumentong pulis mismo ang gumawa at nakasaksi.

Bilang chief prosecutor aniya, hindi niya maaaring isulong sa husgado ang isang mababaw na kaso na magmumukhang tanga ang prosekusyon.

Wala aniya siyang pagpipilian kundi pakawalan ang apat na suspek para sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon.

Ang apat na suspek na nasukol ng Manila police sa dragnet operation ay sina Bradford Solis, 41; Juanito de Luna, 54; Junel Gomez, 36; at Rigor Dela Cruz, 38 at positibong itinuro ng kanilang mga testigo.

TAGS: Manila City Chief Prosecutor Jovencio Senados, MPD, Vice Mayor Charlie Yuson III, Manila City Chief Prosecutor Jovencio Senados, MPD, Vice Mayor Charlie Yuson III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.