Pangulong Duterte masakit ang tuhod at likod kaya nakatungkod sa Japan

By Chona Yu October 22, 2019 - 02:59 PM

Nakatungkod si Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa Japan.

Nasa Japan ngayon si pangulo para dumalo sa enthronement ni Emperor Naruhito.

Base sa mga larawan na ipinamahagi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, makikita ang pangulo na nakabihis na at may hawak na tungkod.

Kasama ng ng pangulo sa naturang litrato si Go at ang anak na si Davao City mayor Sara Duterte.

Ayon kay Go, kaya nakatungkod si Pangulong Duterte dahil sa masakit ang kanyang tuhod at likod bunsod ng nangyaring aksidente sa motorsiklo noong nakaraang Linggo.

Hindi naman tinukoy ni Go kung gagamitin ni Pangulong Duterte ang tungkod sa mismong enthronement.

Ito ang unang pagkakataon na gumamit ng tungkod si Pangulong Duterte.

Matatandaang nagkasugat sa tuhod at siko si Pangulong Duterte nang sumemplang sa motorsiklo noong Miyerkules, October 16 sa compound ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang.

Una nang sinabi ni Go, sumakit ang balakang ni Pangulong Duterte dahil sa aksidente.

TAGS: enthronement, Japan, masakit ang tuhod at likod, Naruhito, Pangulong Duterte, Senador Christopher Lawrence 'Bong' Go, enthronement, Japan, masakit ang tuhod at likod, Naruhito, Pangulong Duterte, Senador Christopher Lawrence 'Bong' Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.