Mahigit 4,000 pork products mula sa Luzon sinunog sa Mandaue City
Higit sa apat na libong kilo ng karne ng baboy at mga pork products mula sa Luzon ang sinira ng task force kontra sa African swine fever sa Cebu.
Ang mga karne ay nakuha sa isang lechon manok at liempo store sa Barangay Casuntingan sa Mandaue City.
Ayon sa Mandaue City Veterinary Office (MCVO), bigo ang tindahan na makapag-presenta ng meat inspection certificates.
Nabatid na galing ng Pasic City ang mga produkto.
Ang mga produkto na nagkakahalaga ng P477,292 ay sinunog sa RRDS Petro Chemical Industries sa nasabing lungsod.
Ang Cebu ay nagpapatupad ng total ban ng mga baboy na galing sa Luzon bilang pag-iwas na rin sa ASF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.