Suspensyon kay dating CHED Executive Dir. Julito Vitriolo iniutos ng Ombudsman
Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires sa Commission on Higher Education (CHED) na ipataw ang tatlong buwang suspension without pay kay dating CHED Executive Director Julito Vitriolo.
Ang suspensyon ay kaugnay sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman na nagsasabing si Vitriolo ay guilty sa simple misconduct matapos ireklamo ni dating CHED Chairperson Patricia Licuanan.
Sa inihaing reklamo ni Licuanan, inakusahan nito si Vitriolo na nagpalabas umano ng memorandum na nagrerekomenda sa CHED Region Office na mag-isyu ng Provisional Permit pabor sa isang pribadong paaralan.
Ayon sa naging pasya ng Ombudsman, ang inilabas ang memorandum ni Vitriolo nang hindi tumutugon sa mga polisiya at alituntunin ng CHED.
Dahil wala na sa serbisyo si Vitriolo sinabi ng Ombudsman na kailangan pa ring ipataw ang multa na katumbas ng ng kaniyang sweldo para sa tatlong buwan.
Ang multa ay ibabayad ni Vitriolo sa Office of the Ombudsman at maari itong ibawas sa tatanggapin niyang retirement benefits, leave credits o iba pang benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.