Residential area sa Sta. Cruz, Maynila tinupok ng apoy

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 12:57 PM

(UPDATE) Nasugatan ang dalawang fire volunteers ang nasugatan makaraang sumiklab ang sunog sa residential area sa Quiricada Street sa Sta. Cruz Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 11:49 ng umaga ng Martes, October 22.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jennifer Garcia.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy at itinaas na ito sa task force bravo.

Bagaman katabi lang ng Bureau Of Fire Protection sa Maynila ang nasunog na lugar ay mabilis pa ring lumaki ang apoy.

Pasado alas dos ng hapon nang ideklarang fire out sa lugar.

Patuloy pang inaalam ng BFP  ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar at kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire incident, manila, manila fire bureau, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sta cruz manila, tagalog news website, fire incident, manila, manila fire bureau, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sta cruz manila, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.