Sa katunayan, sinabi ni Singson na dumarami na ang mga sumusuporta sa kanyang panukala.
Nakita na daw kasi ng mga ito na talaga namang pro-labor ang kanyang House Bill 4208.
Nanindigan si Singson na ang 2-year probationary period ang tatapos sa endo dahil po-protektahan nito ang mga manggagawa mula sa pagkatanggal sa trabaho kada anim na buwan.
Iginiit ng kongresista na mas malaki ang tsansa na ma-regular ang mga empleyado kung mapatutunayan nilang nababagay sila sa partikular na trabaho.
Ayon kay Singson, handa siyang makipag-debate sa mga kapwa-kongresista para depensahan ang panukala.