Cash gift sa mga magsasaka dapat daw gawing buwanan ayon kay Rep. Quimbo
Suportado ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pagbibigay ng P5,000 dagdag na tulong pinansyal sa mga magsasaka sa Disyembre.
Ayon kay Quimbo, talaga namang napagsasamantalahan ng rice traders ang mga magsasaka kaya nararapat lang na mabigyan sila ng kompensasyon.
Gayunman, kulang anya ang naturang halaga lalo’t ang Department of Agriculture (DA) na ang nagsabi na kadalasang kumikita ng P8,000 kada buwan ang mga magsasaka kada buwan kung nabibili ang kanilang palay sa tamang presyo.
Makatutulong anya ang dagdag na P5,000 pero hindi dapat isang bigayan lang.
Iginiit ni Quimbo na pang-mahabang gamutan ang kailangan ng mga magsasaka kaya mainam kung gagawing buwanan ang ayuda hanggang sa tuluyang makabangon ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.