WATCH: Rachel Ann Go binigyan ng standing ovation sa 2019 World Food Prize

Tumanggap si Rachelle Ann Go ng standing ovation sa kaniyang performance sa 2019 World Food Prize Laureate Award Ceremony na ginanap sa Iowa State Capitol Building sa Des Moines, USA.

Ibinahagi ni Rachelle Ann sa kaniyang Facebook ang video ng kaniyang performance kung saan inawit niya ang “Bayan Ko”.

Inawit din ni Rachelle Ann ang medley ng mga awiting “I Dreamed a Dream,” “On My Own,” “The Movie in My Mind,” at “Defying Gravity”.

Sa huli, ay kinanta ni singer-actress ang “Rise Up” kung saan binigyan siya ng standing ovation ng audience.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mahigit 800 delegado mula sa 75 mga bansa.

Taun-taon ay nagper-perform dito ang mga world-class performer.

Read more...