Anak ni Senator Bong Go top 3 sa CPA exam

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 12:06 PM

Nag-top 3 ang anak ni Senator Bong Go sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examinations ngayong taon.

Si Christian Lawrence Go ay nakakuha ng 89.50% na score ayon sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nagtapos ang nakababatang Go ng summa cum laude sa De La Salle University sa Maynila.

Proud naman si Senator Go sa naging achievement ng anak.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Go na hindi niya maupaliwanag ang kaniyang kasiyahan.

Ani Go, pareho silang top 3 ng anak, siya noong nakaraang halalan, at ang anak ay sa CPA exams.

“Matapos ang ilang taong pag-aaral, nagbunga din ang sakripisyo. Bilang isang ama, wala akong ibang hinahangad kundi makitang matagumpay ang aking mga anak. Sana magiging mas matagumpay pa siya sa kanyang buhay,” ayon kay Go. ‘

Umabot sa 2,075 mula sa 14,492 ang nakabasa sa CPA Licensure Examination ngayong taon ayon sa PRC.

Nanguna sa pagsusulit si Justine Louie Bautista Santiago mula sa University of Sto. Tomas (UST).

TAGS: Certified Public Accountan, Christian Lawrence Go, clearing operations, CPA Exam, Department of Interior and Local Government, DILG, Licensure Examinations, Professional Regulation Commission (PRC), show cause order, Certified Public Accountan, Christian Lawrence Go, clearing operations, CPA Exam, Department of Interior and Local Government, DILG, Licensure Examinations, Professional Regulation Commission (PRC), show cause order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.