Pangulong Duterte itinalaga si Vice Admiral Joel Garcia bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 09:07 AM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Admiral Joel Garcia nilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Si Garcia ay Deputy Commandant for Administration ng PCG bago ang paghirang ng sa kaniya pangulo bilang pinuno ng coast guard.

Ang pagtatalaga kay Garcia ay kinumpirma ng Coast Guard bagaman hindi pa inilalabas ng Malakanyang ang opisyal na dokumento.

Nakasaad sa letter of appointment na inilabas ng coast guard na ang pagtatalaga kay Garcia ay pinirmahan ng pangulo noong Oct. 21.

Si Garcia ang magiging ika-28 commandant ng PCG.

Sa Oct. 24 pormal na magsisimula sa pwesto si Garcia kapalit ni Admiral Elson Hermogino na magreretiro sa pwesto.

Si Vice Admiral Garcia ay nagtapos sa Philippine Merchant Marine Academy at isang license master mariner.

TAGS: new coast guard commandant, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, tagalog news website, Vice Admiral Joel Garcia, new coast guard commandant, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, tagalog news website, Vice Admiral Joel Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.