“Masaklap ang istorya ng SAF survivors” – Enrile

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2016 - 08:58 AM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

“Masaklap ang storya nila”.

Ganito inilarawan ni Senator Juan Ponce-Enrile ang kwento ng mga survivors at kaanak ng mga tauhan ng Special Action Force (SAF) na kasama sa naganap na engkwentro sa Mamasapano noong nakaraang taon.

Ayon kay Enrile, nakausap niya ilang mga suirvivors at kanilang kaanak noong panahon na siya ay naka-hospital arrest sa Philippine National Police General Hospital.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng senador na may pangako din siya sa mga nakausap na SAF survivors at kanilang pamilya na hindi niya ilalahad ang kanilang napag-usapan maging sa gagawing re-investigation sa Mamasapano incident sa senado.

Ayaw na rin ni Enrile na muli pang buksan ang sugat ng mga kaanak ng nasawing SAF 44.

Ani Enrile, isa sa mga lumapit sa kaniya ang ginang na asawa ng isa sa mga SAF na nabaril at halos mamatay sa engkwentro na dala pa ang anak niyang sanggol ng kumatok sa kaniyang kwarto noon sa ospital.

“Masaklap yung mga sinabi nila at yung storya nila, huwag na nating buksan ang sugat na iyon, ‘yung asawa ng isang tao na nabaril at halos mamatay na napasama doon, dala-dala niya ang baby niyang nung kumatok sa kwarto ko hindi ko sila nipalitan, sila ang lumapit sa akin. Meron akong pangako sa kanila na hindi ako magsasalita sa usapan namin,” kwento ni Enrile.

Sinabi ni Enrile na bagaman sa kaniyang pananaw ay naging patas ang imbestigasyon noon ng komite na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ay naniniwala siyang maraming tanong na hindi natanong sa mga isinagawang pagdinig.

Ilan lamang sa mga katanungan ayon kay Enrile na sa tingin niya ay hindi nalinawn ay kung bakit nasawi ang 44 na SAF members nang hindi man lang nagkaroon ng pagkilos sa pamahalaan para sila ay sagipin.

Ayon kay Enrile,bilang commander-in-chief, head of state, top policeman ng bansa, dapat ipaliwanag ni PNoy kung may ginawa ba siya para subukang sagipin ang mga miyembro ng SAF noong kasagsagan ng engkwentro sa Mamasapano.
Isa sa mga pinuna ni Enrile ang matagal na pananahimik ni Pangulong Aquino nang maganap ang engkwentro.

Nangyari aniya ang insidente araw ng Linggo, January 25, 2015 at noong araw na iyon hanggang kinabuksan ay wala salitang narinig mula sa Pangulo.

Malaking kwestyon din ayon sa Senador kung bakit may mga heneral na hindi nakasama sa plano at pagdedesisyon sa Mamasapano operations. “Bakit ang mga heneral na sinuswelduhan ng limpak-limpak ay hindi sila kasama sa plano, sa desisyon, bakit naka-confine lang sa mga taong pinili niya (PNoy) ang usapan doon sa plano?” dagdag pa ni Enrile.

Wala namang problema kay Enrile kung hindi dadalo sa re-investigation si PNoy, pero dapat aniya ay itigil nito ang pag-aakusa na may bahid pulitika ang gagawing pag-iimbestiga.

Sinabi ni Enrile na may pananagutan si Pangulong Aquino sa mga naulila ng SAF 44 at maging sa buong bansa.

TAGS: Mamasapano reinvestigation, SAF 44 survivors tell story to JPE, Mamasapano reinvestigation, SAF 44 survivors tell story to JPE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.