Samantha Lo kabilang sa Top 10 Best in Swimsuit sa Miss Grand International pageant

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2019 - 08:05 AM SHARE(S):

Sa kabila ng kontrobersiya hinggil sa kaniyang travel documents ay tuloy na tuloy ang laban ni Samantha Lo sa Miss Grand International pageant na ginaganap sa Venezuela.

Sa Facebook page ng Miss Grand International, napasama si Samantha Lo sa Top 10 Best in Swimsuit.

Ito ay matapos makabilang si Lo sa mga kandidatang nakakuha ng pinakamataas na boto online sa pamamagitan ng “likes”.

Nanguna si Lo sa botohan matapos makakuha ng 420,000 na likes.

Kasama ang boto ng netizens at magiging boto ng judges ay pagdedesisyunan kung sinong kandidata ang makakakuha ng Best Swimsuit Award.

Samantala, maari na ring bumoto ang netizens para sa Top 20 Best National Costumes.

Simula na ng botohan sa Facebook page ng Miss Grand International at magtatapos ito bukas Oct. 23 alas 8:00 ng gabi oras sa Venezuela.

Kailangan lamang i-like ang larawan ng kandidata para makakuha ng boto.

Magugunitang muntikan nang hindi makalahok sa pageant si Lo matapos makulong sa Paris dahil sa pekeng pasaporte.

Sa kabila ng pangyayari ay umabot si Lo sa Caracas, Venezuela para katawanin ang Pilipinas.

TAGS: Caracas, Miss Grand International pageant, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Samantha Lo, tagalog news website, venezuela, Caracas, Miss Grand International pageant, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Samantha Lo, tagalog news website, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.