Magnitude 3.5 na lindol ang pinakahuling naitalang malakas na aftershock.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers Southeast ng bayan ng Tulunan sa Cotabato, alas-12:26 ng madaling araw ng Martes at may lalim na 26 kilometers.
Naitala ang Intensity 2 sa Kidapawan City at instrumental intensity 1 sa Kidapawan City pa rin.
Nakapagtala ng hiwalay na magnitude 3.0 na lindol na naitala sa 20 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Tulunan sa Cotabato, alas-2:16 ng madaling araw at may lalim na 25 kilometers.
Samantala, nakapagtala rin ng magnitude 3.0 na lindol sa 29 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, alas-2:53 at may lalim na 33 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian.