NDRRMC: Patay sa lindol sa Mindanao umabot na sa 7
Umabot na sa pito ang nasawi matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao noong Miyerkules.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Lunes, tatlo ang nasawi sa Magsaysay, Davao del Sur; isa sa Magundanao; at tatlo na pawang inatake sa puso ang naitala sa M’lang, Makilala, at Alamada sa Cotabato
Umabot na rin sa 215 ang nasaktan sa pagyanig mula sa Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kabuuang 4,151 pamilya o 20,755 indibidwal ang naapektuhan ng pagyanig.
Sa nasabing bilang, 269 pamilya o 1,407 indibidwal ang namamalagi at tinutulungan sa tatlong evacuation centers habang 608 pamilya o 2,978 ang inaayudahan ngunit wala sa evacuation centers.
Lumalabas din sa ulat ng NDRRMC na umabot sa 3,160 imprastraktura sa tatlong rehiyon ang nagtala ng pinsala sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.