PhilHealth: Reimbursement claims ng mga pribadong ospital bayad na
Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nabayaran na nila ang P69 billion na sinisingil ng mga pribadong ospital para sa taong 2019.
Nanindigan ang PhilHealth na “fully paid” na ang reimbursement claims ng ilang pribadong ospital sa gitna ng banta ng mga ito na huwag mag-renew ng accreditation sa ahensya.
Pahayag ito ni PhilHealth President Ricardo Morales kasunod ng banta ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi) na hindi na sila magpapa-accredit sa PhilHealth simula sa Enero ng susunod na taon.
Inireklamo ng grupo ang utang umano ng PhilHealth sa mga private hospitals na nasa P2.5 billion.
Ayon kay PHAPi president Dr. Rustico Jimenez, wala silang pagkukuhanan ng pondo para sa pasweldo at gastos sa operasyon kung hindi umano sila binabayaran ng PhilHealth.
Pero sinabi ng PhilHealth na may mga ospital na may problema sa pagproseso ng mga forms.
May kinalaman umano ang problema sa information system kaya nasa gitna na ng computerization ang ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.