6 arestado sa magkahiwalay na buy bust sa Makati at Quezon City

Arestado ang 6 na katao sa magkahiwalay na buy bust operation sa Makati at Quezon City Martes ng madaling araw.

Ayon kay Makati Police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, huli ang tatlong lalaki at dalawang babae sa operasyon sa Pio del Pilar.

Target ng operasyon si alyas JV at matapos magbentahan ng droga ay agad itong inaresto at isa nitong kasamahan.

Sa gitna ng operasyon ay naaktuhan naman ang tatlong iba pa na nasa drug session.

Nakuha sa mga suspects ang 53 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20,000.

Samantala, sa Cubao ay timbog ang isang construction worker matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu.

Nabatid na dati nang nakulong ang suspect dahil din sa droga.

Umamin ang suspect na gumagamit siya ng droga pero hindi umano siya nagbebenta nito.

 

Read more...