Cone: Depensa ng Gilas kailangan sa SEA Games

Mark Gionco, INQUIRER.net

Hindi nababahala si Gilas coach Tim Cone sa scoring sa pagsabak ng national basketball team sa South East Asian (SEA) games.

Bagkus nais ni Cone na pairalin ng Gilas ang depensa para mapanatili ang posisyon bilang “undisputed king” sa men’s basketball sa rehiyon.

Sa practice ng koponan sa Meralco Gym araw ng Lunes, sinabi ni Cone na nagsagawa sila ng ilang simpleng defensive drills para masanay ang mga players.

“I really want our guys to be thinking defense, I want our guys to be thinking defense, I want our guys to be talking about defense and I want them to take great pride in defense and hopefully, that’s going to be part of what we do,” pahayag ni Cone.

Sa kabila ng pagkasama sa lineup ng defensive players na sina June Mar Fajardo, Stanley Pringle at Jayson Castro, nais ni Cone na bukod sa pag iskor ay magpamalas ng matinding depensa ang Gilas.

Naniniwala ang award-winning coach na sapat ang kakayahan ng Gilas para maging matinding defensive team.

 

Read more...