Drilon: Panukalang 2-year probation period sa mga manggagawa dead-on-arrival sa Senado

By Rhommel Balasbas October 22, 2019 - 03:41 AM

Tutol ang mga senador sa panukala sa Kamara na layong pahabain sa dalawang taon ang probationary employment mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Sa pahayag araw ng Lunes, nagbabala si Senate Minority leader Franklin Drilon na haharangin niya ang panukala sakaling ipasa ito ng Mababang Kapulungan.

Ikonsidera na anyang dead-on-arrival sa Senado ang panukala kung makalusot man sa Kamara.

Ani Drilon, hindi tama at hindi makatwiran ang House Bill 4802 ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr.

“I will oppose its passage. If the House passes it, consider it DOA in the Senate. This is unjust and unreasonable,” ani Drilon.

Sa text message sa reporters, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na kailangan munang pag-aralan ang panukala dahil taliwas ito sa layuning wakasan na ang kontraktwalisasyon.

“It practically goes against the move to remove contractualization. It needs a considerable amount of study,” ani Sotto.

Para kay Senate Committee on Labor and Employment chairman Sen. Joel Villanueva, talo ang mga manggagawa kung palalawigin sa 24 buwan ang probationary period.

Masasagasaan umano nito ang karapatan ng mga manggagawa sa Security of Tenure (SOT).

Hinimok ni Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bilisan na ang pagbalangkas sa bersyon nito ng Security of Tenure bill para maproseso na ito ng Senate committee.

Tiniyak ni Villanueva ang determinasyon ng Senado na ipasa ang SOT bill dahil makikinabang dito ang mga manggagawa.

 

TAGS: 2 years, contractualization, dead on arrival, DOLE, probation period, Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr., security of tenure, Senate Minority Leader Franklin Drilon, 2 years, contractualization, dead on arrival, DOLE, probation period, Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr., security of tenure, Senate Minority Leader Franklin Drilon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.