Dahil dito, iginiit ni Gordon na masusi nilang babantayan ang PNP kung talagang natigil na ang drug recycling ng ninja cops.
Ayon sa senador, nalaman nila na ilan sa ninja cops ang kasama sa mga nailipat sa ibang pwesto.
Hindi pa anya tapos ang imbestigasyon ng Senado sa isyu at posibleng sumalang sa pagdinig ang mga opisyal ng PNP na dawit sa drug recycling.
Binanggit ni Gordon ang mga ulat na mayroong mga property sa Estatos Unidos ang mga ninja cops.
Una nang inirekomenda ng komite ni Gordon na kasuhan si resigned PNP chief Oscar Albayalde dahil sa kwestyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013.