Gordon: Impormasyon sa ‘ninja cops’ patuloy sa kabila ng balasahan sa PNP

By Len Montaño October 22, 2019 - 03:13 AM

Ibinunyag ni Senator Richard Gordon na nakakatanggap pa rin sila ng impormasyon ukol sa “ninja cops” sa kabila ng ginawa ng Philippine National Police (PNP) na balasahan sa mga top officials.

Dahil dito, iginiit ni Gordon na masusi nilang babantayan ang PNP kung talagang natigil na ang drug recycling ng ninja cops.

Ayon sa senador, nalaman nila na ilan sa ninja cops ang kasama sa mga nailipat sa ibang pwesto.

Hindi pa anya tapos ang imbestigasyon ng Senado sa isyu at posibleng sumalang sa pagdinig ang mga opisyal ng PNP na dawit sa drug recycling.

Binanggit ni Gordon ang mga ulat na mayroong mga property sa Estatos Unidos ang mga ninja cops.

Una nang inirekomenda ng komite ni Gordon na kasuhan si resigned PNP chief Oscar Albayalde dahil sa kwestyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013.

 

TAGS: Balasahan, drug recycling, General Oscar Albayalde, impormasyon, ninja cops, PNP, reshuffle, Senator Richard Gordon, Balasahan, drug recycling, General Oscar Albayalde, impormasyon, ninja cops, PNP, reshuffle, Senator Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.