Angelica Panganiban nagpasalamat sa pagka-aresto sa gumamit sa kanyang credit card

By Len Montaño October 22, 2019 - 01:59 AM

Angelica Panganiban Twitter

Nagpasalamat ang aktres na si Angelica Panganiban sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos maaresto ang isang babae na gumamit sa kanyang credit card.

Sa kanyang tweet araw ng Lunes ay sinabi ni Panganiban na sa gitna ng pag-aakalang sadlak na sa sistema ay mayroon pa ring tapat sa serbisyo.

Ayon sa NBI International Operations Division, naaresto si Agatha Reyes sa bahay nito.

Umamin umano ang suspect na siya ang gumamit ng credit card ng aktres.

Nagamit na sa halagang P5,000 na transaksyon ang credit card ni Panganiban at tangka pa itong gamitin ni Reyes sa casino sa halagang P500,000.

Nabatid na ang nagamit na credit card ay isang renewal card mula sa bangko kaya hinala ng pulisya ay may sabwatan sa pagitan ng suspect at courier ng credit card.

Noong August 8 ay nag-tweet ang aktres na may gumamit ng kayang credit card sa Pampanga.

Hinagpis ng dalaga, bakit nagnanakaw at hindi mag-ipon ng sarili ang taong gumagamit sa kanyang credit card.

TAGS: Angelica Panganiban, Casino, courier, credit card, gumamit, nagpasalamat, NBI, Angelica Panganiban, Casino, courier, credit card, gumamit, nagpasalamat, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.