Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing mahirap sila nabawasan
Kumaunti ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang kanilang mga sarili na mahirap base sa survey sa ikatlong kwarter ng 2019.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 10.3 milyong pamilya o 42 percent ang nasabing sila ay mahirap.
Mas mababa ito sa 45 percent o tinatayang 11 milyon na naitala noong Hunyo.
Lumabas din sa SWS survey na 7.1 milyon o 29 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nag-rate sa sila ay “food-poor” o pang-mahirap ang kanilang pagkain.
Ito ay anim na puntos na mababa sa 35 percent sa second quarter survey.
Dagdag ng SWS, ang 30 percent ng “average proportion” ng Self-rated Food Poor ay tatlong puntos na mababa sa 33 percent ng average.
Samantala, tinatayang 13 percent ng mga pamilya ay bagong “non-poor” habang 5.6 pecent ang bagong “poor.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.