23 katao nailigtas sa prostitution den sa Pasay City

By Len Montaño October 22, 2019 - 01:08 AM

Nailigtas ng otoridad ang 17 na babae at 6 na lalaki sa prostitution den sa isang condominium unit sa Pasay City araw ng Lunes.

Ayon sa Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), 11 sa 23 na nailigtas ay mga menor de edad.

Isinagawa ang raid sa condo unit matapos na may nakatakas na isang babae at nagreport sa pulisya sa Cainta, Rizal.

Nabatid na mga banyaga ang karamihan sa mga parokyano ng naturang prostitution den.

Isang umanoy bugaw ang naaresto habang dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad.

Nagpaalala naman ang PNP-WCPC sa mga may-ari ng condominium units na suriin at bantayan ang kanilang mga tenants para malaman kung may iligal na gawain ang mga ito.

 

TAGS: 11 menor de edad, bugaw, condo unit, dswd, nailigtas, Pasay City, PNP-WCPC, prostitution den, 11 menor de edad, bugaw, condo unit, dswd, nailigtas, Pasay City, PNP-WCPC, prostitution den

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.