Año nagrekomenda ng 3 pangalan kay Pangulong Duterte para maging susunod na PNP chief

By Rhommel Balasbas October 22, 2019 - 12:45 AM

Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año araw ng Lunes na mayroon na siyang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Sa text message, sinabi ni Año na inendorso niya sina Pol. Lt. General Camilo Pancratius Cascolan, Pol. Maj. General Guillermo Eleazar at Pol. Lt. General Archie Francisco Gamboa.

Isinumite ni Año ang kanyang rekomendasyon kay Pangulong Duterte noong Huwebes, October 17.

“In alphabetical order: Cascolan, Eleazar, and Gamboa,” ani Año.

Inaasahang magtatalaga na ang presidente ng ika-23 PNP chief matapos bumaba sa pwesto si Gen. Oscar Albayalde ilang linggo bago maabot ang mandatory retirement na 56 sa November 8.

Ang pagbaba sa pwesto ni Albayalde ay sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap sa umano’y drug recycling noong 2013.

Sa hierarchy ng PNP, si Gamboa ang kasulukuyang nasa ikalawang pinakamataas na posisyon bilang deputy chief for administration.

Si Gamboa rin ang naitalagang officer-in-charge matapos magbitiw si Albayalde.

Si Cascolan naman ang may hawak sa ikatlong pinakamataas na posisyon sa pambansang pulisya bilang deputy chief for operations.

Habang si Eleazar ang may hawak sa ikaapat na pinakamataas na posisyon bilang chief of the directorial staff kasunod ng pagsisilbi bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Hindi naman obligado ang pangulo na pumili lang sa rekomendasyon ni Año at maaari nitong italaga ang sinumang police officer na may ranggong Brigadier General pataas bilang susunod na PNP chief.

 

TAGS: Gen. Oscar Albayalde, Interior Secretary Eduardo Año, Lt. General Archie Francisco Gamboa, Lt. General Camilo Pancratius Cascolan, Maj. General Guillermo Eleazar, PNP chief, rekomendasyon, Gen. Oscar Albayalde, Interior Secretary Eduardo Año, Lt. General Archie Francisco Gamboa, Lt. General Camilo Pancratius Cascolan, Maj. General Guillermo Eleazar, PNP chief, rekomendasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.