NPC ipinahinto ang operasyon ng 26 lending firms
Ipinag-utos ng National Privacy Commission (NPC) ang pagpapahinto sa operasyon ng 26 na online lending firms.
Ito ay makaraang mabigo ang mga kumpanya ng 26 na lending firms na humarap sa komisyon para sagutin ang mga reklamong inihain laban sa mga ito.
Dahil dito, nagdesisyon ang NPC na ipag-utos ang ‘ban’ sa download, installation at paggamit ng 26 lending apps dahil nananatiling banta ang mga ito sa data subjects.
Bawal ang pagproseso sa personal data hanggang walang resolusyon sa mga kaso.
Ang mga lending apps na ipinagbawal na ang operasyon ay:
- Cash bus
- Cash flyer
- Cash warm
- Cashafin
- Cashaku
- Cashope
- Cashwhale
- Credit peso
- Flash Cash
- JK Quickcash lending
- Light Credit
- Loan motto
- Moola Lending
- One cash
- Pautang peso
- Pera express
- Peso now
- Peso tree
- Peso.ph
- Pesomine
- Pinoy cash
- Pinoy Peso
- Qcash
- Sell loan
- SuperCash
- Utang pesos
Pinasiguro sa mga operators ng nasabing lending firms na hindi na maaari pang ma-download, ma-install at magamit ang kanilang apps.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NPC sa National Telecommunications Commission at Google LLC, operator ng Google Play Store para sa pagsunod sa kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.