Pekeng pasaporte ni Bb. Pilipinas-Grand International Samantha Lo, nakuha sa fixer

By Len Montaño October 22, 2019 - 12:22 AM

Samantha Lo IG

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) na nakakuha si Bb. Pilipinas-Grand International Samantha Lo ng pekeng passport mula sa fixer.

Sa statement ng BPCI araw ng Lunes, kinumpirma na nakulong si Lo si Charles de Gaulle Airport sa Paris noong nakaraang linggo dahil sa pekeng pasaporte.

Ayon sa BPCI, sa pulong noong nakaraang linggo ay inamin ng mga magulang ni Lo na nakuha nito ang pasaporte mula sa fixer.

Taliwas ito sa unang pahayag ni Lo na bigo ang kanyang local organizer, na anyay humawak sa kanyang travel documents, na mabigyan siya ng tamang transit visa para sa kanyang paglaban sa pageant sa Venezuela.

Dagdag ng BPCI, nais nilang tulungan ang Pinay beauty queen para maresolba ang sitwasyon pero hindi na nila ito makontak pati ang pamilya nito.

Sa ngayon ay walang impormasyon ukol sa kasalukuyang status ni Lo bilang Bb. Pilipinas titleholder habang iniimbestigahan pa ang isyu.

TAGS: Bb. Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Charities Inc., Charles de Gaulle Airport, DFA, fixer, Paris, passport, peke, Samantha Lo, venezuela, Bb. Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Charities Inc., Charles de Gaulle Airport, DFA, fixer, Paris, passport, peke, Samantha Lo, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.