Isa pang malakas na aftershock ng magnitude 6.3 na lindol ang naitala sa Cotabato alas 9:53 Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa Silangan ng bayan ng Tulunan.
Tectonic ang lindol na may lalim na 19 kilometro.
Naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City.
Habang ang sumusunod ang Instrumental Intensities:
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Koronadal City and Tupi, South Cotabato
Intensity I – Alabel, Sarangani
Ang bagong pagyanig ay aftershock ng malakas na lindol noong October 16.
Wala namang inaasahang pinsala dahil sa aftershock.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.