Ayon kay Sinas, isa-isa niyang ininspeksiyon ang nakahanay na kagawad ng MPD at sinuri rin niya ang mga suot na uniporme upang malakita kung sumusunod sila sa tamang pag suot na uniform.
Pinuna ni Sinas na hindi magkakamukha ang kulay ng uniform na may matingkad at may faded blue, kaya agad niyang pinag-utos na dapat ay isang kulay lamang ang susuotin.
Inatasan si Sinas ang mga Police Community Precint (PCP) commanders na magsumite ng accomplishments reports sa mga nagawang operasyon sa kanilang nasasakupan.
Pinakahuli, ipinag-utos din niya sa mga pulis na tawagin ang kanilang mga opisyal at subordinate sa tamang ranggo at apelyido bilang paggalang.
Ipatutupad din niya ang discplined zone sa Manila kaya dahil dito ipagbawal na ang paningarilyo sa loob at labas ng mga istatsyon ng pulis.