Kasado na ang preparasyon ng Land Transportation Office (LTO) upang panatilihing ligtas ang mga lansangan sa paggunita ng Undas.
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante , handa na ang lahat ng sangay ng LTO nationwide kaugnay ng gagawing hakbang para matiyak na ligtas ang mga motorista at mananakay sa Undas.
Sa paglulunsad ng programang Oplan Biyaheng Ayos: Undas sa buong bansa, sinabi ni Galvante na minabuting mas maaga ang paglulunsad ng programa upang matiyak na plantsado na ang lahat bago pa dumating ang araw ng All Souls day at All Saints day sa November 1 at 2.
Bahagi anya ng paghahanda sa okasyon ang pinaigting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, laluna ang mga pampasaherong sasakyan tulad ng provincial buses.
Ayon kay Galvante, patuloy ang pag-iinspeksyon ng LTO Law enforcement units sa mga garahe o terminal ng mga bus upang hindi na maabala ang mga mananakay at hindi magka aberya ang mga papasadang sasakyan.
NIlinaw nito na oras na bumagsak sa inspeksiyon ang mga pampasaherong bus ay hindi papayagang pumasada at ang mga pasado lamang sa inspection ang papayagang magsakay ng mga pasahero.
Hinikayat ni Galvante ang mga motorista na bago umalis ng tahanan ay suriing mabuti ang sasakyan kung ito ay road worthy at tingnan kung maayos ang gulong, ilaw,break, busina at iba pang bahagi ng sasakyan para makatiyak na ligtas sa pagbiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.