Disaster preparedness at mitigation measures sa Mindanao dapat paigtingin ayon kay Rep. Sangcopan

By Erwin Aguilon October 21, 2019 - 06:54 PM

Photo Credit: Congress Photo

Nanawagan si Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan sa mga opisyal ng gobyerno sa Mindanao na paigtingin ang disaster preparedness at mitigation measures sa rehiyon.

Ayon kay Sangcopan, kailangan ang pagsasagawa ng mas madalas na information-drive at outreach education programs sa mga komunidad at eskwelahan tungkol sa kahandaan sa iba’t ibang kalamidad.

Naniniwala si Sangcopan na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kampanya sa disaster preparedness sa publiko ay mababawasan ang pinsala dulot ng kalamidad.

Iminungkahi din ng kongresista na magsagawa ng regular fire at earthquake drills sa mga eskwelahan at opisina.

Hiniling din nito ang pagpapatupad ng ilang flood control measures tulad ng tree planting at solid waste management bilang bahagi ng mitigation plan.

Ang panawagan ay bunsod ng magkakasunod na lindol sa ilang lalawigan sa Mindanao, ang 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato at 5.3 magnitude sa Davao Oriental.

TAGS: Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, disaster preparedness at mitigation measures, information drive, outreach education programs, Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, disaster preparedness at mitigation measures, information drive, outreach education programs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.