Credit rating ng bansa tataas pa bago matapos ang panunungkulan ni Pangulong Duterte ayon sa ilang lider ng Kamara

By Erwin Aguilon October 21, 2019 - 03:29 PM

Naniniwala si House Majority Leader Martin Romualdez na aangat pa ang credit rating ng Pilipinas hanggang sa bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Romualdez, ito ay dahil sa mabilis na pagtatrabaho ng Kamara para maaprubahan ang comprehensive tax measures na naglalayong gawing investment destination ang bansa.

Kabilang na rito ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act at Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act.

Ipinunto ni Romualdez na ang pinakamataas na credit rating na “BBB+” na ibinigay ng Standard and Poor’s Global Ratings sa bansa ay posible pang mai-upgrade sa “A” dahil sa naturang mga tax measures.

Kumpyansa naman si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na kapag nakamit ang “A” rating mula sa international debt watchers ay mababawasan na ang sanhi ng pag-utang ng Pilipinas.

Sa ngayon ay nakatutok pa ang Mababang Kapulungan sa mga panukalang batas patungkol sa fiscal reform upang lalo pang palaguin ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act, House Majority Leader Martin Romualdez, House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, Standard and Poor’s Global Ratings, Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act, House Majority Leader Martin Romualdez, House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, Standard and Poor’s Global Ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.