Belmonte, hinikayat ang mga kababaihan ng QC na magpasuri para makaiwas sa breast cancer

By Jong Manlapaz October 21, 2019 - 03:09 PM

Hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga kababaihan na may edad 30 taon pataas na agad magpasuri ng kanilang mga dibdib para matiyak na walang sakit na breast cancer.

Ito ay sinabi ni Belmonte nang pangunahan ang paggunita sa Breast Cancer Awareness month sa ginanap na flag raising ceremony sa QC hall grounds.

Pinangunahan din ni Belmonte at QC Vice Mayor Gian Sotto ang pagsasagawa ng human formation kasama ang mga empleyado ng QC hall na nakasuot ng kulay putting t shirt at may dalang kulay pink na payong bilang pagsuporta ng QC government para labanan ang sakit na breast cancer ng mga kababaihan.

Anya 3 out of 100 ay may breast cancer at nasa 243 ang mga namamatay kada taon dahil sa breast cancer.

Sinabi pa ni Mayor Belmonte na isang advocacy niya para sa mga kababaihan na labanan ang cancer dahil ang ina niya ay namatay sa sakit na breast cancer.

Iniulat din niya na dumaan na siya sa pagsusuri dito at napatunayang wala siyang gene ng cancer.

May bus clinic na inilagay sa may QC hall ground upang libreng makapagpa-test ang mga kababaihan sa kanilang dibdib gayundin ay may itinalagang mga tauhan na nagsagawa ng information drive para maipaliwanag sa mga tao ang tungkol sa breast cancer .

TAGS: breast cancer, Breast Cancer Awareness, QC Mayor Joy Belmonte, breast cancer, Breast Cancer Awareness, QC Mayor Joy Belmonte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.