Stylist at Creative Director ni Bb. Pilipinas Globe Leren Bautista umaasang mauuwi ang korona ng Miss Globe 2019

By Noel Talacay October 21, 2019 - 02:51 PM

Handa na ang pambato ng Pilipinas para sa 2019 Miss Globe na si Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista.

Ayon kay Vhee Co ang official stylist at creative director ni Leren, talagan kabang-abang ang magiging performance ng pambato ng Pilipinas dahil naging matindi ang paghanda para sa nasabing pageant.

Aniya, ang katangian ni Leren sa simple ngunit palaban na dalagang Pilipina ang magpapanalo sa kanya sa kompetisyon.

Ipapakita anya ni Ms. Bautista ang Filipina Barbie doll at Filipino values.

Naiuwi sa Pilipinas ni Ms. Ann Colis ang korona ng Miss Globe nang tanghalin itong Miss Globe 2015.

Ngayong araw (Oct. 21) gaganapin ang Miss Globe 2019 sa bansang Albania.

TAGS: 2019 Miss Globe, Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista, Vhee Co, 2019 Miss Globe, Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista, Vhee Co

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.