PABA: Baseball team ng PH, malakas ang laban sa 2019 SEA Games

By Noel Talacay October 21, 2019 - 02:42 PM

Malakas ang tiwala ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na may laban ang baseball team ng bansa sa Southeast Asian Games na gaganapin na sa susunod na buwan.

Ayon kay PABA President Chito Loyzaga, magagaling ang binuong line-up na nagmula pa sa collegiate level na kayang dominahin ang sino mang makakalaban.

Aminado anya siya na magiging mahigpit na katunggali ng mga pambato ng Pilipinas ang mga koponan ng Indonesia at Thailand.

Pero pagtitiyak nito, gagawin nila ang lahat ng training para makuha ang gintong medalya sa sea games.

Sanabi pa nito na puspusan ang isinasagawang paghahanda ng buong koponan para sa SEA Games.

Huling naglaro ang Philippine baseball team sa SEA Games noong 2011 kung saan nag-uwi sila ng dalawang gintong medalya.

TAGS: PABA President Chito Loyzaga, Philippine Amateur Baseball Association (PABA), sea games, PABA President Chito Loyzaga, Philippine Amateur Baseball Association (PABA), sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.