Buwis ng POGO dapat patawan ng interest – ACT-CIS Rep. Yap

By Erwin Aguilon October 21, 2019 - 12:33 PM

Hinimok ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap ang Bureau of Internal Revenue na lagyan ng interes ang sinisingil na buwis sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ayon kay Yap, chairman ng House Committee on Games and Amusement, makakasanayan ng POGO firms na huwag munang magbayad na maaaring mauwi pa sa areglo kapag hindi pinatawan ng penalty at iba pang dagdag na multa.

Sinabi nito na aalamin niya ang umiiral na proseso at regulasyon laban sa online gaming companies at iba pang establisyimento na hindi nagbabayad ng buwis para mas paigtingin ang parusa.

Ikinatuwa naman nito ang pagpapasara sa isa na namang kumpanya na hindi nagbayad ng buwis na nagkakahalaga ng 100 million pesos.

Ito ay ang Altech Innovations Business Outsourcing na may opisina sa Parañaque at Pasay City na mayroong hindi bababa sa isanlibong Chinese nationals na empleyado.

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas matapos muling makapag-operate ang Great Empire Gaming and Amusement Corporation na unang ipinasara ng BIR noong nakaraang buwan pero binuksan nang mabayaran na ang tax deficiencies.

TAGS: ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, BIR, POGO, ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, BIR, POGO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.