Metro Manila at mga kalapit na lugar makararanas ng power interruption mula Oct. 21 hanggang 27

By Jimmy Tamayo October 21, 2019 - 12:18 PM

Magsisimula ngayong araw (October 21) at tatagal hanggang sa linggo (October 27) ang power interruption ng Manila Electric Companya (Meralco) sa ilang mga lugar sa Metro Manila at kalapit probinsya.

Sa kanilang advisory unang makararanas ng power interruption sa pagitan ng ala-1:00 at 1:30 ng madaling araw at sa pagitan ng 4:30 at 5:00 ng madaling araw ang ilang mga barangay sa Quezon City, Rodriguez Rizal, Cavite, Batangas, Laguna at Norzagaray, Bulacan.

Makararanas rin ng pansamantalang brownout ang ilang lugar sa Maynila mula October 23 at October 24 sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi at 5:30 ng umaga.

Ang power interruption ay bungsod ng maintenance work sa mga apektadong lugar.

Para kumpletong schedule ng power interruption maaaring magtungo sa FB page ng Meralco.

TAGS: Batangas, Bulacan, cavite, laguna, norzagaray, power interruption, quezon city, Rodriguez Rizal, Batangas, Bulacan, cavite, laguna, norzagaray, power interruption, quezon city, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.