Nalalabing limang bangkay na natagpuan sa Marcos Highway ipalilibing na ng lokal na pamahalaan ng Benguet

By Jimmy Tamayo October 21, 2019 - 11:41 AM

Patuloy ang panawagan ng Benguet Provincial Police Office sa ibang himpilan ng pulisya sa kanilang rehiyon para sa posibleng pagkakakilanlan ng tatlong bangkay at dalawang kalansay ng tao na natagpuan kamakailan sa bayan ng Tuba.

Walong bangkay ang natagpuan sa Marcos Highway sa Barangay Taloy Surm noong nakaraang linggo at tatlo pa lamang sa kanila ang nakikilala.

Una nang kinilala ang mga labi nina Fahad Manan Macalanggan, 28-anyos at tubong Marawi City at si Kent Licyayo, 22-anyos na tubong Ifugao.

Ang mga labi ni Alfredo Domilos Lamenta, Jr. ay nakilala ng dati niyang misis sa pamamagitan ng mga tattoo sa kanyang katawan.

Ang lima na kinabibilangan ng tatlong naaagnas na bangkay at dalawang kalansay ay nakalagak sa Damayan Funeral Homes sa Marcos Highway.

Plano ng lokal na pamahalaan na ipalibing na ang labi ng lima bagamat problemado sila sa gastusin.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, tuba benguet, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, tuba benguet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.