‘Abominable’ tuluyan nang hindi maipapalabas sa Malaysia

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2019 - 10:55 AM

Tuluyan nang hindi maipapalabas sa Malaysia ang pelikulang ‘Abominable’.

Ito ay matapos na hindi pumayag ang distributor nito sa utos ng Malaysian censor board na alisin ang eksena sa pelikula kung saan ipinakita ang mapa ng 9 – dash line ng China.

Ayon sa United International Pictures Malaysia, nagpasya distributor ng pelikula na huwag itong putulin.

Sa nasabing pelikula ng Unversal Pictures ay isang Chinese teenager ang tumulong sa isang yeti para makabalik sa kaniyang lugar.

Una nang sinabi ni Malaysia censorship board chief Mohamad Zamberi Abdul Aziz na papayagan lang ang paglalabas ng naturang pelikula sa kanilang bansa kapag inalis ang eksena na nagpapakita ng mapa.

Ang Abominable ay naipalabas na sa Vietnam noong October 4 pero itinigil din ang pagpapalabas nito dahil sa kontrobersyal na eksena.

Dito sa Pilipinas, naipalabas din ang pelikula pero inihinto din kalaunan.

TAGS: "Abominable.", inquirer, Malaysia, nine-dash claim, PH news, Philippine breaking news, radyo, tagalog news website, Universal Pictures, "Abominable.", inquirer, Malaysia, nine-dash claim, PH news, Philippine breaking news, radyo, tagalog news website, Universal Pictures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.