Malawakang revamp sa PNP utos ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2019 - 10:34 AM

Utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugat ng malawakang balasahan sa Philippine National Police (PNP).

Kinumpirma ito ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa matapos tanungin sa press briefing kung ano ang dahilan ng ipinatupad ng revamp.

Ayon kay Gamboa, may utos mula kay Pangulong Duterte para gawin ang revamp sa isinagawang command conference sa Malakanyang.

Matapos ang direktiba, agad itong tinalakay ng pamunuan ng PNP at ipinatupad ang revamp.

Nilinaw naman ni Gamboa na maayos ang performance at mataas ang rating ng mga naapektuhan ng revamp.

Aminado naman si Gamboa na nagkaroon ng mahabang diskusyon kaugnay sa ipinatupad na revamp.

Bagaman hindi naiwasang may mga sumama ang loob, ay napagkasunduan naman sa huli na irespeto ang pasya ng OIC ng PNP.

Nilinaw din ni Gamboa na kahit OIC lamang siya ay bahagi ng kaniyang tungkulin at kapangyarihan na magtalaga at mag-alis ng senior officers mula sa iba’t ibang unit.

TAGS: inquirer, major revamp, massive revamp, PH news, Philippine breaking news, Philippine National Police, radyo, tagalog news website, inquirer, major revamp, massive revamp, PH news, Philippine breaking news, Philippine National Police, radyo, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.