Mga bagong talagang opisyal ng PNP sa isinagawang revamp, sasailalim sa 3 buwang evaluation

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2019 - 09:56 AM

Sasailalim sa tatlong buwang evaluation ang mga bagong talagang pinuno ng Philippine National Police sa iba’t ibang lugar sa bansa at iba’t ibang posisyon.

Ito ang inihayag ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa matapos magpatupad ng malawakang balasahan sa PNP.

Ayon kay Gamboa, tatlong buwang under probation ang lahat ng nasa key positions ng PNP.

Iniutos din ni Gamboa ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng pending promotion ng mga opisyal ng pambansang pulisya.

Ani Gamboa, lahat ng opisyal at mga tauhan ng PNP mula sa mga commander ay inaasahang kikilos sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Mananagot din ang mga hepe kapag nabigo ang kanilang mga tauhan na gampanan ang tungkulin o kung masangkot ang mga ito sa ilegal na gawain.

TAGS: 3 months probation, inquirer, major revamp, PH news, Philippine breaking news, PNP, probation, radyo, tagalog news website, 3 months probation, inquirer, major revamp, PH news, Philippine breaking news, PNP, probation, radyo, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.