Justice Carpio ginawaran ng parangal ng mga kawani ng Korte Suprema sa flag-raising ceremony
Dumalo na sa kanyang huling flag-raising ceremony sa bilang Mahistrado si Senior Associate Justice at ngayo’y acting Chief Justice Antonio Carpio.
Ginawaran ang Acting Chief Justice ng Certificate of Appreciation at ng Plaque of recognition ng Korte Suprema sa kanyang naging malaking ambag sa Judiciary.
Sa kanyang farewell speech, binalikan ni Justice Carpio ang araw na una siyang umapak sa bakuran ng SC bilang Associate Justice ng SC 18 taon na ang nakararaan.
Simple lamang ang naging mensahe ni Justice Carpio.
Pinasalamatan nito ang lahat ng kanyang mga nakatrabaho sa SC sa nakalipas na halos dalawang dekadang panunungkulan.
Si Justice Carpio ay magreretiro sa darating na Biyernes kasabay ng kanyang ika-70-taong kaarawan na siyang mandatory retirement age para sa isang mahistrado ng SC.
Si Justice Carpio ay kilala sa kanyang pagiging vocal sa kanyang paninindigan at pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas sa pinag aagawang bahagi ng West Philippine Sea.
Matapos ang kanyang farewell speech, isa isa siyang kinamayan ng kanyang mga kapwa mahistrado at nilapitan din nito at kinamayan ang mga empleyado ng SC.
Hindi gaya ng naging seremonya ng huling flag raising ni CJ Lucas Bersamin, walang arrival honors para kay Justice Carpio sa Padre Faura at naging mas simple lamang ang kanyang pagdalo sa huli niyang flag rising ceremony sa SC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.